• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoMayo 16-31, 2017

ni Paquito Rey Pacheco 

Una sa lahat, humihingi po ako ng paumanhin sa mga sumusubaybay ng pitak na ito. Personal na pangyayari ang sanhi ng aking pagkukulang habang halos 40 araw akong nasa bayang sinilangan. May kasabihang, “Huli man at magaling, tamang ihabol din.” Taos sa aking puso ang pagbati sa lahat ng mga Nanay na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong May 14.


Si Senador Leila De Lima ay waring natatakot na sa sariling anino? Kasi, nabalita ang pagkanta ni Mrs. Janet Lim-Napoles. Ang former PNoy at mga kaalyadong kongresista at senador, pati public officials tulad ni former Budget secretary Florencio Abad ay tinitiyak na kasama. Gayon din sina Mar Roxas, at mga kongresista at senador pa noon at ngayon na nakinabang sa PDAP scam known as Karneng baboy. Kaparis umano ni Sen. Frank Drilon na top operator ng LP noon ay kabilang umano sa melody ni Napoles. Si former president Noynoy Aquino ay nagsabing hindi daw siya liable sa DAP issues. Paano siya makakawala sa pananagutan? May circular na lahat ng mga government funds na lumalabas eh pirmado ng pangulo.


Waring mahirap ang pagdadaanan ng planong federalist form of government ng DU30 administration. Kahit ang pag- amyenda sa 1987 Constitution ay malabong mangyari. Tulad ng nais mabalik ang sistema na nakapaloob sa 1935 Constitution. Sa kabila ng pag-iral ng multi- political party system, ang kandidato sa panguluhan ng two dominant political party ay pipiliin sa pamamagitan ng kombensiyon. Magkasama ang boto for president and VP. Hindi kaparis ng nangyayari ngayon.


“Suntok sa Buwan” ang mungkahi ni Associate Justice Antonio Carpio na pigilin ni Pres. Duterte ang China sa ginagawang pagtatatag ng man-made island sa West Philippine Sea. Kung ang Hukbong Pandagat ng US ay walang nagawa noong panahon ng pangulong Amboy, si PDU30 ang nais niya ngayong ibala sa kanyon.


Ang independent foreign policy ng gobyeryong DU30 ngayon kung baga sa tanim na punong prutas ay may supling nang bunga. Ang China at Japan ay nag-aagawan ng mga proyektong paglalaanan ng kanilang planong investments sa Mindanao. Paiiralin ang Build Operated Transfer Project Agreement for railways and highways. Walang funds na manggagaling sa gobyerno. May takdang panahon batay sa kasunduan ang simula ng pagsasalin ng pamamahala sa gobyerno. Gayunman, hindi dapat muling mangyari ang privatization of the transportation business na kaparis ng NLEX and SELEX. Matapos malipat sa gobyerno noong panahon ng Marcos Administration, pinagkaloob ng gobyernong Cory Aquino sa pribadong sector ang pamamahala. Riding consumers ang naging biktima. Nagbabayad na malaking halaga sa pamasahe. Kaparis din ng nangyari sa MERALCO na ang mga residente naman at industriya ang apektado ng mataas na singil sa koryente.


Kung hindi mahaharang ng maruming politika na umiiral ngayon sa Pilipinas tulad ng nakatakdang 2019-2020 elections, milyon-milyong trabaho ang nakalaan sa mga Filipino. Malamang mapigil na ang exodus sa ibayong-dagat ng OFWs. 


Binalita ng Supreme Court Public Information Office na sa ika-21 ng June, nakatakda ang preliminary trial of election protest ni former Senator Bongbong Marcos, Jr. na inutos ng Presidential Electoral Tribunal. Nakahanda na umano ang Comelec na tuparin ang utos ng Supreme Court-PET na ipakita ang tunay na gastusin for election machines na gagamitin sa vote re-count ng 2016 vice- presidential elections. Hiniling ni VP Leni Robredo sa PET na ibasura ang protestang hinain ni former Senator Bongbong Marcos. Nakiusap naman ang former senator na huwag nang patulan ang nais ng Robredo camp na maatraso ang pagdinig sa kaso. Bakit nga naman waring natatakot si Mrs. Robredo na magkaroon agad ng vote re-count? Si Romulo Macalintal na abogado ng vice president ay umaasang ang election protest ni Mr. Marcos will be dismissed.

Katas

Isang wake-up call ang isyu kay Gina Lopez as former DENR secretary. Kailangang balingan na ng pansin ang higit na magiging pakinabang ng bansa sa taglay na katutubong yaman ng Pilipinas.

  •  Apektado nga ang sinasabing benepisyong government funds from export ng tanso, bakal at nickel, at ang mga nagtatrabaho sa minahan.
  • Subalit sapat ba ang sinasabing positibong konsiderasyon, kapalit naman ng pagkasira sa kapaligiran at kalusugan ng mga taong nasa lugar ng mga minahan?
  • Hindi ba higit na makakabuti para sa Pilipinas, kung sa halip na raw copper (tanso), nickel at iron, ang dapat ay export of finished products?
  • Katulad ng mga kotseng imported from US, Canada, Japan at mga produktong imported from China. Ang raw materials ay from the Philippines. Finished product na pagbalik sa bansa.

Kasabihan

Kung nasa itaas ang bumabagsak, ang nasa ibaba ay bumabangon kung nadadapa.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback