• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Nanay

Sa lahat ng sanggol siya ang nagluwal,
Dito sa daigdig ng lugod at panglaw;
Ang iwing ugali ay walang kapantay,
Huwaran, dakila, sadyang mapagmahal!

***

Buhay ng ulilang Nanay ay malungkot,
Lalo kung may mga supling na kaloob;
Hindi alintana ang hapdi at kirot,
Na pamanang sugat ng hapis at lugod!

***

Lahat naman tayo ay may pagkukulang,
Una ay sa Diyos at ating magulang;
Na naaalala kung may sakit lamang,
Palibhasa tayo’y mga tao nga lang!

***

Mapalad ang mga may Nanay pa ngayon,
na nakakaramay sa bawat panahon!

 

Paquito Rey Pacheco